When I first heard idol Noel Cabangon’s song, “Mabuting Pilipino,” playing on the radio about 2 weeks ago, my first reaction was, “OK, may isa na namang kanta about an impossible dream — na balang-araw ay magiging matino din ang mga Pinoy.”
I admit, that’s my usual sarcastic self talking. But can you really blame me for thinking that way? I’m sure na hindi lang ako ang ganito mag-isip. Sad but true… kung ibabatay sa realidad, mas maraming Pilipino ang “hindi mabuti” kaysa “mabuti.”
Kaya nga nagiging balita yung mga exceptions to the rule, eh!
… yung security guard na nagsosoli ng naiwang bag na may lamang dolyares
… yung taxi driver na ibinabalik yung naiwanang mga dokumento ng pasahero
… yung janitor sa nagsosoli ng mga gamit na naiwanan sa CR
… yung bata na iniligtas ang mga kapatid niya sa sunog kahit muntik na siyang mamatay
… yung tanod na sumagip sa nalulunod sa ilog
(Teka. Parang wala yatang mayaman na naging “exception” hehehe)
Pero, after listening to Noel’s song again (and again), I realized that it’s not about other people at all. Noel was talking to me; rather, he was singing to me. To the one listening to his song.
Now I get it. It is both a dream (of what Pinoys can be) and a plea (to me… to be that kind of Pinoy… to be mabuti). And being mabuti begins with one’s self. For how can you demand that others be good when you yourself aren’t?
So, am I a “Mabuting Pilipino?” I’d like to think so… at least in my own small way:
- Hindi ako nagtatapon ng basura sa kalsada (ibinubulsa ko muna)
- Hindi ako sumisingit sa pila
- Nagbabayad ako ng (tamang) buwis, di gaya ng ibang Kongresista d’yan 🙂
- Hindi ako nagnanakaw
- Tumatawid ako sa tamang tawiran (dahil ayokong masagasaan)
- Hindi ko ibinibenta ang aking boto
Maliliit na bagay, I know… but that’s always where big things begin, di ba?
Ikaw, sa tingin mo, Mabuting Pilipino ka rin ba?
YanaH
Mayo 7, 2011
great things start from small beginnings.. — MILO hihihi
at diba nga po ang pagbabago ay nag-uumpisa sa ating sarili mismo? If we want the world to change, dapat na umpisahan natin sa ating sarili, then try to make a difference para mahawa ang ibang tao.. mukhang mahirap kung lahat ng tao ay nag-iisip ng gaya natin siguro posible… kahit 5% 😀
napadaan po.. 😉
secretcallcenteragent
Mayo 10, 2011
salamat sa pagdaan, yanah! MILO nga pala ano? hehehe 🙂
kiko
Mayo 7, 2011
galing
SCCA – thanks, kiko 🙂
BuhayOFW
Mayo 7, 2011
Nice work
SCCA – salamat, buhayofw 🙂
pinoyleonardo
Mayo 8, 2011
Great post! Marami sa atin ang bukambibig ay pagiging makabayan. Halimbawa na lang sa mga online sites o Facebook, marami ka makikita mga puna tungkol sa lipunang Filipino. Sa Facebook ni PNoy, kala ko lahat ay makabayan sa pagpili sa kanya bilang pangulo kasi lahat ayaw sa korupsyon. Pero konting imik ni PNoy, puro bunganga at ngawngaw ng mga kabayan natin ang maririnig.
Sa palagay ko, ang mabuting Pinoy ay nandyan lang. Wala tayong estadistika para sabihin ang bilang. Sa kabilang dako, nandyan ang masamang ugali ng mga Pilipino- na para sa akin ay “universal” traits ng sinumang tao sa anumang bansa. Hindi ako naniniwala na ito ay trait na bukod-tangi sa mga Filipino.
Parati kong sinasabi sa PNoy page sa Facebook, ano ang matutulong ko sa bayan ko at kayo ano ang maitutulong ninyo? Yung anim na puntos mo ay magandang halimbawa nito. Pareho tayo – hehe. Mabuhay ka!
SecretCallCenterAgent — mabuhay ka din, pinoyleonardo! at maraming salamat sa komento 🙂
Midnight Orgasm
Mayo 12, 2011
It is a very sad thing that no one is a “mabuting Pilipino”. Would that have been otherwise, this country should not be a mess.
SCCA — we’ll just have to settle for the next best thing then… the “Hindi Gaanong Kasamang Pilipino” 😀